Kay FlorMga kapatid, Lalo na sa inyong nagdurusa sa pait ng pangamba (ay takot) na panawan ng mahal-- Alam ko, hindi sapat ang panalangin O ang tapik sa balikat upang palisin ang panimdim, Maging ang salitang sukat magbalik ng tiwala-- Lahat tayo'y ninanakawan ng puso kadalasan Ngunit bakit hindi iyon napaparam Ilang ulit mang iwan o saktan; Bagkus lumalaki't binibigyang-puwang Ang iba pang kirot na di napaghahandaan. Ay, salamat at may nakakahating kaanak/kaibigan Kayat mga dalahi'y himalang gumagaang Ngunit sadyang di sapat ang dasal Upang mapaghilom ang sugat na taglay. Pangako ko lamang gaya ng naganap sa maraming nakaraan Ibayong tapang ang ibubunga ng bawat latay At sa antak sisibol ang lalong mabuting ikaw: Lalong tao at makatao, may talisik na sapat Upang kahuluga't kabuluhan ng lahat-lahat Sa buhay nita'y maibaybay na ganap. Mabuhay ka Flor, at lalong mabuhay si Bernie! May 29, 2006 |
||