KAMANYANG KAY TITA TERRY(Alay kay Teresita V. Ramos sa kanyang pagreretiro sa UH) Kinakaon mo ang dapithapon, Umaga ng aming layon-- Ikaw, ina ng pangako, pag-asa At pagsinta ng Filipino sa Amerika; Ikaw, alab na nagpapabangon Sa layong sinusubhan ng diskriminasyon, Sinisiil ng pag-alipusta, Dinudusta tuwina ng kalahi o kakontra; Ikaw, nagpapaalsa ng aming kamao, Nagpahugis ng salita sa aming mga dila: Magandang umga, Kababayan, Kalahi. Mabuhay, Salamat, Hanggang sa muli; Ikaw, sa tanaw ko'y nagpapalingon Upang maiugnay ang Bukas sa Kahapon. Salamat, binibining diwata ng katutubong wika, Salamat, nagkangalan ang Filipino sa putting lupa. akda ni Elynia S. Mabanglo Oktubre, 2003 |
||