|
|
Alamat ng Sampaguita (adaptasyong may kasamang sabayang bigkas) sinulat ni Ruth Elynia S. Mabanglo para sa klaseng
Filipino 301, Fall 2001, UH-Manoa KORO: Sabayang pag-awit (gagamitin
ang bersyon ni Nora Aunor) Sampagita
Sampagita ng aming
lipi Bulaklak na
sakdal ng yumi Ikaw ang mutyang
pinili Na sagisag
ng aming lahi Ang kulay mong
binusilak Ay diwa
ng aming pangarap Ang iyong bango't
halimuyak Sa tuwina'y aming nilalanghap O bulaklak
na nagbibigay
ligaya O paraluman
mutyang sampagita Larawan mo giliw ang mga dalaga Ikaw ang tanging
bituing hiraman ng kanilang ganda Habang nag- iisa Sinasariwa sa
alaala Ang sampagita ng pagsintang Sa puso ko'y
di na malalanta TAGAPAGSALAYSAY: Medyo ‘corny’ di ba? Iyan ang nabuong kanta
tungkol sa
alamat ng pambansang bulaklak ng mga Pilipinas.
Maganda naman ang alamat.
Mai-in love kayo talaga . Teka… imbes na ikwento ko sa inyo…
panoorin na lamang ninyo: KORO: Noong unang panahon / may magkasintahang
ubod ng sweet/// ang swet-swet. /// Isang araw…/ LAKAN GALING: Liwayway…
Babe. . . LIWAYWAY: Yes (nagpapa-cute) LAKAN GALING: Ako’y aalis para makipaglaban. LIWAYWAY: Bakit??
(shock) LAKAN GALING: May mga
lumusob na mga Kastila sa
kanlurang baybayin ng ating pulo. Kailangan kong ipaglaban
ang ating lahi. Kailangang ipagtanggol ko ang ating kalayaan (Machong-machong nagsasalita). LIWAYWAY: Lakan Galing, my beloved. Diyata’t iiwan mo ako? Hikbi. .
. hikbi… LAKAN GALING: Inutusan kasi ako
ng daddy ko
eh. (lalakas ang iyak ni
Liwayway) Huwag kang umiyak Irog
ko,
Mahal ko, Iniibig ko.. . sinisinta
ko . . . LIWAYWAY: Please
naman… bakit kailangang ikaw pa ang pumunta? Marami naman kayong sikyo, di
ba?
(pa-cute) ‘di mo naman laban ‘yon di ba? LAKAN GALING: Hindi
ko nga
laban, pero kailangan kong ipakita sa daddy ko ang katapangan
ko. Ang laban ng
daddy ko ay laban din natin. KORO: Ang laban ng
daddy niya, laban nila. LIWAYWAY: Huwag ka nang umalis,
Irog ko,
giliw, sweetheart… Hikbi… ‘di ba
may sumpaan tayo? Hikbi.. hikbi LAKAN GALING: Oo nga… may sumpaan
tayo. Hindi tayo maglilimutan.
LIWAYWAY: Talaga? Hindi mo ako malilimutan? Pinky Swear?
LAKAN GALING: Pinky
swear. (magpi-pinky
swear sila). Honey…
este.. Babe pala…. Puwede bang mag-request? LIWAYWAY: Ano yon? (pa-shy effect) LAKAN GALING: Matagal kasi akong
mawawala.. puwedeng…… (ngunguso) LIWAYWAY: (Titingin sa paligid)
Mahal baka magsumbong sila..(Ituturo ang mga
manonood.)
strict kasi ang parents ko eh…… (Medyo madi-disappoint si LG) Pero mamimiss talaga
kita babe.. babalik ka agad,
hah? LAKAN GALING: Oo,Liwayway, honeybunch, cherry pie, babalik
ako agad. Sumpa kita.. Ikaw
lang ang
aking mamahalin. LIWAYWAY: At sumpa
ko rin,
.di kita malilimutan. SFX: Drums, fanfare. KORO: At /// nagpunta nga/ sa digmaan / si Lakan Galing.
/// Siyempre,/ na-miss/ miss na miss/ talaga siya ni Liwayway./// Kaya naman// ang dalaga’y/ (sings): Di na makatulog Di pa makakain At/// naging
malungkutin /// Lumipas ang mga
araw / / / ang mga gabi / / / lumipas ang oras / / / parang papel na
napigtas/ sa kalendaryo ng pag-ibig
/ ng dalagang naghihintay./ / / LIWAYWAY: Mahal
ko… kailan
ka babalik? Hikbi… hikbi… Kay lungkot
nang wala ka… ako’y nangungulila! KORO: One
day, isang araw We heard, nakarinig One knock, isang
katok/// Sa window
sumilip siya Ito ang
nakita: One man, isang
tao Sa door tumutuktok She rushed, binuksan
niya Pintong
nakasara . . . MENSAHERO: Masamang
balita Dayang Liwayway. Si Lakan Galing. . . LIWAYWAY: Bakit,
ano ang nangyari
sa kanya?
MENSAHERO: Sa labanan kay giting
niya, pati pana’t sibat nasalat
niya! LIWAYWAY: Ganoon
pala, e ano ang nangyari sa kanya? MENSAHERO: Binoldyak
niya ang Kastila, kaliwa’t kanan nilabanan niya! LIWAYWAY: My
hero! Nasaan siya? Bakit dito’y wala
pa. MENSAHERO: Nagmamadali
ka… hindi pa tapos ang istorya. KORO: Nagmamadali
ang dalaga, di pa tapos istorya. LIWAYWAY: (Kagagalitan ang Choir) E ano ngayon? Gusto ko
nang makita ang aking
Sinta. MENSAHERO: (Malulungkot,
iiyak). Wala na po siya Dayang
Liwayway… He’s
gone, kaput! Nahagip
ng kampilan ni Magellan Ang kanyang katawan! LIWAYWAY: Hindi! MENSAHERO: Oo! (Dadalhin ang bangkay ni Lakan Galing!) LIWAYWAY: Hindi! Hindi ka maaaring mamamatay! Nagsumpaan tayong hindi maglilimutan! Sumpa kita… sumpa kita…
iyon pala, Mamamatay ka! Hikbi, hikbi. KORO: Nawalan ng gana
sa buhay
si Liwayway… muli (sings) di na
nakatulog di pa nakakain Kaya… nagkasakit siya (image of a dying Liwayway) LIWAYWAY: Lakan
Galing, mahal ko… isama
mo na ako! Ubo! Ubo! Ubo! Ubos na
ang buhay ko! (dies) KORO: Patay na siya!/// Hikbi! / Hikbi! / Hikbi! Dahil alam ng
lahat na
nagmamahalan sina Liwayway at Lakan Galing, pinagsama sila sa iisang
libingan. At lumipas ang mga
araw…. Isang halaman ang tumubo
sa kanilang
libingan. Lumipag pa uli ang
mga araw…. At namulaklak ang halaman sa
kanilang libingan Maliliit na
kulay puti! Pagkabangu-bango! Tanda ng sumpaan
ng dalawa! Sumpa kita! Sumpa kita! Hindi kita kalilimutan. Sumpa kita! Sumpa kita! SAMPAGITA! Ayun… iyon na ang pangalan
ng bulaklak ngayon! SAMPAGITA! |
||